Tagu-Taguan [Tagu-Taguan (from Tala: The Film Concert Album)]
Umagang kay dilim
Dito wala pa rin
Nagbago magbabago
Sa pag-ikot ng mundo
Naiiwan na ako
Hilo hinto
Tagu-taguan
Ako ba'y nakikita
Di na magigising di na matutulog
Ano ang sagot
Di na lumilipad di na nahuhulog
Dito lang ako
Hanapin mo ako
Pagbilang ng tatlo
Ako'y magtatago
Sa mundo sa'yo
Tagu-taguan
Wala na akong makita
Di na magigising di na matutulog
Ano ang sagot
Di na lumilipad di na nahuhulog
Dito lang ako
Hanapin mo ako
Puno na ng tanong sa kalungkutan ay nakikipaglaro
At pagbilang ng sampu dapat makapagtago ako
Isang oras nasa dilim walang nakatingin
Dalawang mata'y nanatiling nakapiring
Atat lu mabas at sa taas makahiling
Apat na bakas ng bulong sana'y dinggin
Nanlilimahid pawisan galing sa gera
Animoy walang kahera dahil walang kwenta
Pasulong ay di na alam laging paurong
Pumipito sa kawalan baka may tumulong
Hagilapin sa tamang ruta ng gubat
Nasakop na ng awa luha at sugat
Ang siyang mga nilunod sa karagatan ng hamon
Tiyak sa pangsampu na bilang tayo ay makakaahon tara
Pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso
Nasan na ako nasan na ako (nasan na ako nasan na ako)
Pumikit lumiit ang mga anino
Hanapin mo ako hanapin mo ako
Di na magigising di na matutulog
Ano ang sagot
Di na lumilipad di na nahuhulog
Dito lang ako (dito lang ako)
Di na magigising di na matutulog (di na magigising)
Ano ang sagot (oh)
Di na lumilipad di na nahuhulog
Dito lang ako
Hanapin mo ako