Dapat Ka Bang Mahalin

George Canseco

Bakit ba halos lahat sila
Ay nagpapayong 'di ka dapat mahalin
Kahit pa ipagtanggol kita
Ang paliwanag ko ay 'di nila pansin

'Di ba raw ako sa 'yo'y nabubulagan
Mas higit pa raw ang kahit sinuman
Kung alam nilang kundi dahil sa 'yo
'Di kailanman liligaya ng ganito

Dapat ka bang mahalin o dapat nga ba
'Di ka raw naman marunong magmahal
Kahit dapat o hindi batid ng Maykapal
Ang aking mahal kailan pa ma'y ikaw

'Di nila nauunawaan pa
Na ang nagmamahal ay 'di mapaghanap
Kahit ka 'sang sinungaling pa
Ang masawi sa 'yo'y aking matatanggap

Alam kong ako'y hindi nabubulagan
Iibigin ka magpakailan pa man
Huwag silang magtatanong kung ika'y dapat
Mahalin ko ng walang kasing-tapat

Dapat ka bang mahalin o dapat nga ba
'Di ka raw naman marunong magmahal
Kahit dapat o hindi batid ng Maykapal
Ang aking mahal kailan pa ma'y ikaw

Dapat kang mahalin
Dapat kang mahalin

Trivia about the song Dapat Ka Bang Mahalin by Sharon Cuneta

On which albums was the song “Dapat Ka Bang Mahalin” released by Sharon Cuneta?
Sharon Cuneta released the song on the albums “Special Collector’s Edition: Sinasamba Kita” in 1994 and “25 Years 25 Hits” in 2002.
Who composed the song “Dapat Ka Bang Mahalin” by Sharon Cuneta?
The song “Dapat Ka Bang Mahalin” by Sharon Cuneta was composed by George Canseco.

Most popular songs of Sharon Cuneta

Other artists of Middle of the Road (MOR)