Iduyan Mo

Ryan Cayabyab

Iduyan mo ang duyan ko
Unti-unting itulak mo at babalik sa isip ko
Nang dating nasa kandungan mo

Iduyan mo ang duyan ko
Unti-unti itulak mo at pakikinggan ang awit mo
Sa liwanag ng buwan mahihimbing ako

Iduyan mo ang duyan ko
Unti-unti itulak mo at mananaginip habang mundo'y tahimik
Tila agilang pilit maabot ang langit

Iduyan mo ang duyan ko
Unti-unti itulak mo at kung maaaring pihitin ang mundo pabalik
Sana'y iduyan mo ang duyan ko muli

Iduyan mong muli
Pihitin ang mundo pabalik

Iduyan mo ang duyan ko
Unti-unti itulak mo at kung maaaring pihitin ang mundo pabalik
Sana'y iduyan mo sana'y iduyan mo ang duyan ko muli

Trivia about the song Iduyan Mo by Sharon Cuneta

When was the song “Iduyan Mo” released by Sharon Cuneta?
The song Iduyan Mo was released in 2002, on the album “The Other Side of Me”.
Who composed the song “Iduyan Mo” by Sharon Cuneta?
The song “Iduyan Mo” by Sharon Cuneta was composed by Ryan Cayabyab.

Most popular songs of Sharon Cuneta

Other artists of Middle of the Road (MOR)