Kailan

Snaffu Rigor

[Verse 1]
Kailan mali ang pag-ibig?
Kailan mali ang magmahal?
Kung tinuring bang isang laruan
O gawang biro lamang?

[Verse 2]
Kailan banal ang pagsinta?
Kailan ito nadarama?
Damdamin ba ang susundin
O ang pusong dumaraing?

[Chorus]
Humahakbang ang sandali
Tumatakbo ang panahon
Nangangaral ang lumipas
At nangangako ang bukas

[Verse 3]
Kung katuwiran ang maghari
Ito ba ay tama o mali?
Kailan ito magpupuri?
Kailan naman ikukubli?

[Bridge]
Kailan pa, kailan pa?

[Chorus]
Humahakbang ang sandali
Tumatakbo ang panahon
Nangangaral ang lumipas
At nangangako ang bukas

[Verse 4]
Kailan mali ang pag-ibig?
Kailan tama ang pagsinta?
Kung luha lang ang tanging hatid
Kung langit ba'y taglay mo na

[Outro]
Kailan pa, oh, kailan pa?

Trivia about the song Kailan by Sharon Cuneta

When was the song “Kailan” released by Sharon Cuneta?
The song Kailan was released in 1990, on the album “For Broken Hearts Only”.
Who composed the song “Kailan” by Sharon Cuneta?
The song “Kailan” by Sharon Cuneta was composed by Snaffu Rigor.

Most popular songs of Sharon Cuneta

Other artists of Middle of the Road (MOR)