Kailangan KO, Kailangan Mo

Gerry Paraiso

Anong lungkot ng gabi
Ngayong walang mga bituin
Ako ngayo'y ganyan din
Nag-iisa sa dilim
Walang kahulugan
Ang buhay na ito
Kung walang minamahal
O 'di kaya'y nagmamahal
Kailangan ko'y
Kailangan din ako

Ako ngayo'y nalulumbay
Sa 'ki'y walang sumasabay
Ikaw kaya'y katulad ko
Naliligaw sa ating mundo
Paano na lang tayo
Kung lagi na lang ganito
Kailangan ko'y katulad mo
Kailangan ang katulad ko
Sana ika'y lagi sa piling ko

Lahat tayo'y kailangan ng
Kasama sa mundong ito
Sana ika'y
Sana ika'y
Sana ika'y lagi sa piling ko

Trivia about the song Kailangan KO, Kailangan Mo by Sharon Cuneta

When was the song “Kailangan KO, Kailangan Mo” released by Sharon Cuneta?
The song Kailangan KO, Kailangan Mo was released in 1993, on the album “Ikaw at Ako”.
Who composed the song “Kailangan KO, Kailangan Mo” by Sharon Cuneta?
The song “Kailangan KO, Kailangan Mo” by Sharon Cuneta was composed by Gerry Paraiso.

Most popular songs of Sharon Cuneta

Other artists of Middle of the Road (MOR)