Kung Mahawi Man Ang Ulap

Willy Cruz

[Verse 1]
Mahawi man ang ulap, 'di mo matitiyak
Kung laging mayroong bughaw ka pang matatanaw
At sa umaga't hapon ba'y may araw bang sisikat
Sa gabi naman kaya'y may talang kikislap
Habang sinasariwa dati mong mga pangarap

[Chorus]
Sundan ang bahaghari sa kanyang hangganan
Baka doo'y sakaling ulap mo'y magpaalam
At 'pag napawi na'ng sanhi ng kapanglawan
Muling buksan ang pusong bihag sa karimlan

[Verse 2]
Kayanin mong limutin luha ng nagdaan
Ba't mo pa iisipin ang dating sumpaan?
'Sanlibo't 'sang kasawian, pasan mo habang buhay
Kung 'di mo ngingitian dinanas na lumbay
Ulap ay mahahawi kahit na paminsan-minsan

[Chorus]
Sundan ang bahaghari sa kanyang hangganan
Baka doo'y sakaling ulap mo'y magpaalam
At 'pag napawi na'ng sanhi ng kapanglawan

[Outro]
Muling buksan ang puso
Muling sundan ang araw
Hawiin mo ang ulap ngayon

Trivia about the song Kung Mahawi Man Ang Ulap by Sharon Cuneta

On which albums was the song “Kung Mahawi Man Ang Ulap” released by Sharon Cuneta?
Sharon Cuneta released the song on the albums “Special Collector’s Edition: Sana’y Wala Nang Wakas” in 1994 and “Sharon Movie Theme Songs Silver Series” in 2006.
Who composed the song “Kung Mahawi Man Ang Ulap” by Sharon Cuneta?
The song “Kung Mahawi Man Ang Ulap” by Sharon Cuneta was composed by Willy Cruz.

Most popular songs of Sharon Cuneta

Other artists of Middle of the Road (MOR)