Nalilito Ako
[Verse 1]
Ang aking buhay ay iyong ginulo
Dahil sa pag-ibig na inalay mo
Noo'y 'di ako maniwala sa iyo
Ngunit ngayo'y pinagsisihan ko
[Verse 2]
Hirap na ako nang kaiisip sa iyo
Pati sa pag-aaral ko, ako'y nalilito
At sa pagtulog ko'y ikaw ang panaginip ko
Hanggang sa paggising ko
[Instrumental Break]
[Bridge]
At sa pagtulog ko'y ikaw ang panaginip ko
Hanggang sa paggising ko
[Verse 3]
Ngayon ko lang naramdaman ang pag-ibig na ganito
Nais kong malaman mo, ikaw ay mahal ko
Magmula ng ikaw ay makilala ko
Napuno ng saya ang puso ko
[Outro]
Magmula ng ikaw ay makilala ko
Napuno ng saya ang puso ko