Paalam Kahapon

Carlos Agawa

[Verse 1]
Luha ko'y tuyong tuyo na
'Di na matiis na ako'y mapag-isa
Kailangan ka ngunit saan ka, sinta?
Ako'y iyong kinalimutan na

[Pre-Chorus]
Pasensiya ko'y nasasagad na
Pag-ibig ko sa 'yo'y tila matabang na
Tuluyan na kaya akong humanap ng iba
Upang ako nama'y lumigaya?

[Chorus]
Kay hirap mang isipin
Kay hirap ding limutin ng atin nakaraan
Ako'y 'yong ibinitin
Ngayo'y bibitin-bitin sa isang malabong pag-asa, woah

[Verse 2]
Kaya ako'y naghahanda na
Upang bigyang-pansin ang pagtatangi ng iba
Sa 'yo'y paalam na, paalam aking sinta
At ang dalangin ko'y manigas ka

[Instrumental Break]

[Pre-Chorus]
Pasensiya ko'y nasasagad na
Pag-ibig ko sa 'yo'y tila matabang na
Tuluyan na kaya akong humanap ng iba
Upang ako nama'y lumigaya?

[Chorus]
Kay hirap mang isipin
Kay hirap ding limutin ng atin nakaraan
Ako'y 'yong ibinitin
Ngayo'y bibitin-bitin sa isang malabong pag-asa, woah

[Verse 2]
Kaya ako'y naghahanda na
Upang bigyang-pansin ang pagtatangi ng iba
Sa 'yo'y paalam na, paalam aking sinta
At ang dalangin ko'y manigas ka

Trivia about the song Paalam Kahapon by Sharon Cuneta

When was the song “Paalam Kahapon” released by Sharon Cuneta?
The song Paalam Kahapon was released in 1980, on the album “Sharon Cuneta”.
Who composed the song “Paalam Kahapon” by Sharon Cuneta?
The song “Paalam Kahapon” by Sharon Cuneta was composed by Carlos Agawa.

Most popular songs of Sharon Cuneta

Other artists of Middle of the Road (MOR)