Pag-Ibig Kong Ito

Nang makilala ka dumating ang simula ng isang umaga
Puno ng pag asa bawat araw ay may dalang simula
Ngunit bakit nagwalay pa tadhana ba ay nagtampo sa isa't isa
Lumuha ang puso naghihintay na babalikan mo pa

Pagibig kong ito
Ipinapangako kong laan lamang sayo
Ipaglalaban ka at di magbabago
Buong buhay ko ma'y iaalay sa'yo

Pagibig kong ito
Ngayon at magpakailanma'y laging sayo
Mundo ma'y maglaho buwan man ay magtampo
Umasa kang ako'y laging naririto

Sa bawat sandali ikaw ang syang laman nitong isipan
Kahit subukan man patuloy na ika'y minamahal
Magwalay man landas natin patutunayan kong hindi magmamaliw
Pag ibig na wagas pangako ko'y hindi magwawakas

Pagibig kong ito
Ipinapangako kong laan lamang sayo
Ipaglalaban ka at di magbabago
Buong buhay ko ma'y iaalay sa'yo oh

Pagibig kong ito
Ngayon at magpakailanma'y para sayo
Mundo ma'y maglaho buwan man ay magtampo
Umasa kang ako'y laging naririto

Pagibig kong ito
Pangako ko sa'yo

Most popular songs of Sharon Cuneta

Other artists of Middle of the Road (MOR)