Sa Kanya

Ito Rapadas

Namulat ako at ngayo'y nagi-isa pagkatapos ng ulan
Bagama't nakalipas na ang mga sandali ay nagmumuni kung ako'y nagwagi
Pinipilit mang sabihin na ito'y wala sa akin
Ngunit bakit hanggang ngayon nagdurugo pa rin

Sa kanya pa rin babalik sigaw ng damdamin
Sa kanya pa rin sasaya bulong ng puso ko
Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan
Ang pagmamahal at panahon alay pa rin sa kanya

At sa hatinggabi ay nagi-isa na lang at minamasdan ang larawan mo
At ngayo'y bumalik ng siya'y kapiling pa alaala ng buong magdamag
Kung sakali mang isipin na ito'y wala sa akin
Sana'y dinggin ang tinig kong nagi-isa pa rin

Sa kanya pa rin babalik sigaw ng damdamin
Sa kanya pa rin sasaya bulong ng puso ko
Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan
Ang pagmamahal at panahon alay pa rin sa kanya

Ha ha ha ha ha
Sa kanya pa rin babalik sigaw ng damdamin
Sa kanya pa rin sasaya bulong ng puso ko
Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan
Ang pagmamahal at panahon alay pa rin
Ang pagmamahal at panaho'y alay pa rin sa kanya hmm

Trivia about the song Sa Kanya by Sharon Cuneta

When was the song “Sa Kanya” released by Sharon Cuneta?
The song Sa Kanya was released in 2008, on the album “Sharon Sings Alcasid”.
Who composed the song “Sa Kanya” by Sharon Cuneta?
The song “Sa Kanya” by Sharon Cuneta was composed by Ito Rapadas.

Most popular songs of Sharon Cuneta

Other artists of Middle of the Road (MOR)