Sana'y Wala Nang Wakas

Willy Cruz

Sana'y wala nang wakas
Kung pag-ibig ay wagas
Paglalambing sa iyong piling
Ay ligaya kong walang kahambing

Kung di malimot nang tadhana
Bigyang tuldok ang ating ligaya
Walang hanggan ay hahamakin
Pagka't walang katapusan kitang iibigin

Kahit na ilang tinik ay kaya kong tapakan
Kung iyan ang paraan upang landas mo'y masundan
Kahit ilang ulit ako'y iyong saktan
Hindi kita maaring iwanan

Kahit ilang awit ay aking aawitin
Hanggang ang himig ko'y maging himig mo na rin
Kahit ilang dagat ang dapat tawarin
Higit pa riyan ang aking gagawin

Sana'y wala nang wakas (sana'y wala nang wakas)
Kapag hapdi ay lumipas
Ang mahalaga ngayon ay pag-asa
Dala nang pag-ibig

Saksi buong daigdig (saksi buong daigdig)
Kung di malimot ng tadhana
Bigyang tuldok ang ating ligaya
Walang hanggan ay hahamakin
Pagka't walang katapusan kitang iibigin

Kahit na ilang tinik ay kaya kong tapakan
Kung iyan ang paraan upang landas mo'y masundan
Kahit ilang ulit ako'y iyong saktan
Hindi kita maaring iwanan

Kahit ilang awit ay aking aawitin
Hanggang ang himig ko'y maging himig mo na rin
Kahit ilang dagat ang dapat tawarin
Higit pa riyan ang aking gagawin

Di lamang pag-ibig ko
Di lamang ang buhay kong ibibigay
Sa ngalan nang pag-ibig mo
Higit pa riyan aking mahal ang alay ko

Trivia about the song Sana'y Wala Nang Wakas by Sharon Cuneta

On which albums was the song “Sana'y Wala Nang Wakas” released by Sharon Cuneta?
Sharon Cuneta released the song on the albums “Special Collector’s Edition: Sana’y Wala Nang Wakas” in 1994, “The Best Of Sharon Cuneta” in 2002, “25 Years 25 Hits” in 2002, “Mega Up Close” in 2003, “Sharon Movie Theme Songs Silver Series” in 2006, “Re-Issue Series: Sshhh” in 2009, and “Sharon Cuneta Opm Hits Of The 80's” in 2011.
Who composed the song “Sana'y Wala Nang Wakas” by Sharon Cuneta?
The song “Sana'y Wala Nang Wakas” by Sharon Cuneta was composed by Willy Cruz.

Most popular songs of Sharon Cuneta

Other artists of Middle of the Road (MOR)