Inspirasyon

Akala ko sa teleserye lang nangyayari
Ang mga istorya ng pag-ibig na gan'to
Eh totoo naman pala ang mga sabi-sabi
Eh kasi nabiktima ako

Nananahimik ako noong naglalakad
Tapos nahuli nakulong
Sa salang paghahangad sa isang bagay
Na 'di pwede ibig sabihin ay bawal
Ang pag-usad nga yata ng hustisya ay mabagal

Eh kasi ang tagal bago 'ko nakawala
Sa pantasyang maaaring maging kaming dalawa
At nang matanggal ang kandado may naisip akong plano
Magpapayaman muna ako at magpapagwapo

Bago lumapit sa 'yo akin nang naintindihan
Na ang mabuting damdamin 'di nakakain ang gan'yan
'Di kailangan na dapat mayro'ng gan'yan
Sana 'di malito ang mga 'to
Ang gusto ko lang sabihin aayusin ko muna sarili ko para sa 'yo

Mabuti na lang-lang-lang nasa tamang pag-iisip
Alam-lam kong 'pag 'di pwede 'wag ipilit
Posible ka lang maipit
Sa komplikadong sitwasyon
'Wag magpahadlang-lang-lang at 'wag kang magpapabwisit
'Wag nang nang nang magmukmok d'yaan sa gilid
Gamitin mo ang pag-ibig
Bilang isang inspirasyon

Ang pag-ibig ay isang inspirasyon
Ang pag-ibig ay isang inspirasyon
Dapat ang pag-ibig ay isang inspirasyon
Isang inspirasyon

Lumipas ang ilang taon mula sa lupa nakabangon
Hindi na 'ko nanghihingi sa nanay ko ng baon
Kilala na 'ko ng mga tao doon sa kanto
At kahit na papa'no may pera na 'ko sa bangko

Mabilis ang pangyayari grabe
Ang dating hindi napapansin tinitilian na ng mga babae
'Pag nasa entablado pangalan ko ay sigaw na rin
Pero sa akin walang nagbago
Walang iba ikaw pa rin

Hinigpitan ko pa ang kapit 'di tulad kay Imelda Papin
Ang pag-ibig na galing sa 'kin higit sa isang linggo
Matapos ang taon na traffic ay inakyat ko ang langit
At sa pagbango ng hangin ay napapikit ako

Kasi bago lumapit sa 'yo akin nang naintindihan
Na marami akong hirap na dadanasin sa daan
Nalampasan ko ang madami na 'yan
At para 'di malito ang mga 'to
Salamat sa inspirasyon naiayos ko ang sarili ko dahil sa 'yo

Mabuti na lang-lang-lang nasa tamang pag-iisip
Alam-lam kong 'pag 'di pwede 'wag ipilit
Posible ka lang maipit
Sa komplikadong sitwasyon
'Wag magpahadlang-lang-lang at 'wag kang magpapabwisit
'Wag nang nang nang magmukmok d'yaan sa gilid
Gamitin mo ang pag-ibig
Bilang isang inspirasyon

Ang pag-ibig ay isang inspirasyon
Ang pag-ibig ay isang inspirasyon
Dapat ang pag-ibig ay isang inspirasyon
Isang inspirasyon

Sa tagalupang nangarap nang mataas
At saka isang diyosang mapagkumbaba
Ano kaya ang mangyayari sa wakas
Tayong dalawa kaya ay magkita sa gitna
Sa tagalupang nangarap nang mataas
At saka isang diyosang mapagkumbaba
Ano kaya ang mangyayari sa wakas
Tayong dalawa kaya ay magkita sa gitna

Mabuti na lang-lang-lang nasa tamang pag-iisip
Alam-lam kong 'pag 'di pwede 'wag ipilit
Posible ka lang maipit
Sa komplikadong sitwasyon
'Wag magpahadlang-lang-lang at 'wag kang magpapabwisit
'Wag nang nang nang magmukmok d'yaan sa gilid
Gamitin mo ang pag-ibig
Bilang isang inspirasyon

Ang pag-ibig ay isang inspirasyon
Ang pag-ibig ay isang inspirasyon
Dapat ang pag-ibig ay isang inspirasyon
Isang inspirasyon

Ang pag-ibig ay isang inspirasyon
Ang pag-ibig ay isang inspirasyon
Dapat ang pag-ibig ay isang inspirasyon
Isang inspirasyon

Most popular songs of Shehyee

Other artists of Asian hip hop