Sana Nandito Ka
Kay tagal na nating magkasama
Bawat kilos ko'y alam mo na
Malayo man dama kita
At lubos na minamahal
Ngunit bakit
Biglang nagbago ang lahat
Kung kailan ako'y nasa tabi mo
Di ko dama ang pag-ibig mo
Tanging hiling ko lang sa iyo
Huwag limutin ang pag-ibig ko
Na twina'y umaasa
Sana ay maisip mo
Dito sa puso kong ito
Ay ikaw at wala nang iba
Ang laging sinisigaw
Sana nandito ka sa piling ko
Ba't bigla nang naglaho
Di ko na madama ang pag-ibig mo'y nag-iiba na
Nawala na ba ang damdamin mo
Na dati para sa akin lamang
Ngunit bakit
Biglang nagbago ang lahat
Kung kailan ako'y nasa tabi mo
Di ko dama ang pag-ibig mo
Tanging hiling ko lang sa iyo
Huwag limutin ang pag-ibig ko
Na twina'y umaasa
Sana ay maisip mo
Dito sa puso kong ito
Ay ikaw at wala nang iba
Ang laging sinisigaw
Sana nandito ka sa piling ko oh
Tanging hiling ko lang sa iyo
Huwag limutin ang pag-ibig ko
Na twina'y umaasa
Sana ay maisip mo
Dito sa puso kong ito
Ay ikaw at wala nang iba
Ang laging sinisigaw
Sana nandito ka sa piling ko
Sa piling ko