Ang Liwanag

'Wag mong harangan ang daan papunta sa 'yong mga ngiti
Sasamahan ka hangga't ang tamis ay mabawi
Iyong sarili pagmasdan kung gano ka kahalaga
Sumandal hindi hahayaang mag-isa

Palagi mong ilagay sa isip mo (oh)
Na malabo kitang iwanan (iwanan)
Malabo kitang bitawan (bitawan)

Tumingin sa 'yong paligid (oh)
Puno ka ng pag-ibig (oh)
Ngiti mo ay palagi lang kay gandang tignan (oh)
Ikaw ang ibig sabihin (oh)
Ang ligaya sa dibdib (oh)
Ako ang liwanag sa tuwing mundo mo ay madilim

Manalig ka na kaya mo dahil may darating pa na kung ano
Maghintay basag na isip mabubuo
Bumalik ka sa akin kapag nakuha na ang 'yong gusto
Sabay abutin tawanan ang mapagbirong mundo

Palagi mong ilagay sa isip mo (oh)
Na malabo kitang iwanan (iwanan)
Malabo kitang bitawan (bitawan)
Tumingin sa 'yong paligid (oh
Puno ka ng pag-ibig (oh)
Ngiti mo ay palagi lang kay gandang tignan (oh)
Ikaw ang ibig sabihin (oh)
Ang ligaya sa dibdib (oh)
Ako ang liwanag sa tuwing mundo mo ay madilim

Oohhh hindi ka na dapat mangamba
Ako ang kasama mo at nakahanda
Ako na sa kanila ay ipaglaban ka
Subukan man nila tayong sirain ay malabong mangyari dahil
Pagmamahal pa rin and mananaig sa 'tin

Tumingin sa 'yong paligid (oh)
Puno ka ng pag-ibig (oh)
Ngiti mo ay palagi lang kay gandang tignan (oh)
Ikaw ang ibig sabihin (oh)
Ang ligaya sa dibdib (hey)
Ako ang liwanag sa tuwing mundo mo ay madilim
Ako ang liwanag sa tuwing mundo mo ay madilim

Most popular songs of Skusta Clee

Other artists of Film score