Siguro Nga

Gosh Dilay, Yael Yuzon

[Verse 1]
Sa tuwing ako'y dumarating, ika'y palaging paalis
Daan may laging salubong, titig 'di dumaraplis
Hanggang kailan magtitiis na walang sinasabi?

[Verse 2]
Kung ano man tayo noon
Anong luwang, anong higpit
Mga panahong binuhos ko
Kinaya kong gawing lihim
Hanggang kailan magtitiis
Wala pa ring sinasabi? Ah-ah

[Chorus]
Siguro nga
Ikaw ang habang buhay kong nakawala
Ang tadhana ay mapagsamantala
Sa isang saglit, wala ka na, ah-ah

[Verse 3]
Aaminin ko ang totoo
'Wag ka lang maiilang sa akin
Mga salitang 'di mabuo
Umuulan sa aking isip
Tumatagos na sa bubong
Tumatalsik sa aking dingding, ah-ah

[Chorus]
Siguro nga
Ikaw ang habang buhay kong nakawala
Ang tadhana ay mapagsamantala
Sa isang saglit, wala ka na, ah-ah
Siguro nga
Ikaw ang habang buhay kong nakawala
Ang tadhana ay mapagsamantala
Sa isang saglit, wala ka na

[Post-Chorus]
Nalingat saglit, wala ka na
Nalingat saglit, wala ka na
Nalingat saglit, wala ka na
Nalingat saglit, wala ka na
Nalingat saglit, wala ka na
Nalingat saglit, wala ka na

[Outro]
Kaya hanggang ngayon
Kahit lumipas na ang pagkakataon
'Pag naririnig ko ang pangalan mo
Ako'y ngumingiti't pumipikit

Trivia about the song Siguro Nga by Sponge Cola

On which albums was the song “Siguro Nga” released by Sponge Cola?
Sponge Cola released the song on the albums “Hometown” in 2022 and “Hometown, Part 2” in 2023.
Who composed the song “Siguro Nga” by Sponge Cola?
The song “Siguro Nga” by Sponge Cola was composed by Gosh Dilay, Yael Yuzon.

Most popular songs of Sponge Cola

Other artists of Post-rock