Salamin

Ebe Dancel

Gumising akong mabigat ang loob
May guhit ng luha sa aking pisngi
Dahan-dahang bumangon at napatanong
Bakit dati hindi naman ganito ang buhay
Sumisilip ang araw sa 'king bintana
Naririnig ang ingay ng kapit-bahay
Ngunit dito 'sing-gabi pa rin ng kumakapit na dilim

Sa salamin ako'y tumingin
Unti-unti kong napansin
Na sa dami na rin ng nangyari
Halos 'di na makilala ang aking sarili

May mga lumang kanta na naririnig pa
Tungkol sa hari kwarto tulog at motel na madrama
At ang tinig sa radyo ay galing sa bata
Na nagpapanggap nang mama di niya lang alam
Mahirap palang tumanda

Sa salamin ako'y tumingin
Unti-unti kong napansin
Na sa dami na rin ng nangyari
Halos di na makilala ang aking sarili
Sarili

Nakakita ako ng isang litrato
Halos di na makilala ang batang nakangiti
Katulad ng maraming bagay
Litrato ko'y kukupas at bukas isa na lang syang malayong
Alaala

Sa salamin ako'y tumingin
Unti-unti kong napansin
Na sa dami na rin ng nangyari
Halos di na makilala ang aking sarili
Sarili
Sarili
Ang aking sarili

Trivia about the song Salamin by Sugarfree

When was the song “Salamin” released by Sugarfree?
The song Salamin was released in 2009, on the album “Tala-Arawan”.
Who composed the song “Salamin” by Sugarfree?
The song “Salamin” by Sugarfree was composed by Ebe Dancel.

Most popular songs of Sugarfree

Other artists of Pop rock