Langit ko
Mula ng makilala ka
Nagkaroon ng bagong sigla
Nagkaroon ng kulay ang aking buhay
Nawala ang lumbay at luha
Mula ng makilala ka
Meron na akong pupuntahan
May karamay nangarap kahit mahirap
Lagi kang nandyan
Langit ko ay ikaw
Halik ng isang anghel
Liwanag ng araw
Ang pag-ibig natin hindi magmamaliw o giliw
Ang pusong ito sa'yo lamang mahal
Ang aking mundo
Umikot sa'yo sinta
Araw gabi'y laging magkasama
Pa'no na kung wala ka
Wala na 'kong kaya pang
Pagbuhusan ng pagmamahal
Ikaw lamang sa puso't isipan
Matatagal kailanman
Langit ko ay ikaw
Halik ng isang anghel
Liwanag ng araw
Ang pag-ibig natin hindi magmamaliw o giliw
Ang pusong ito sa'yo lamang mahal
Bakit kailan lang minamahal wala na
Lalong nakikita ang kanyang halaga
Heto ako nag-iisa
Hanap-hanap ka
Kundi ang aking anghel sa kalangitan
Langit ko ay ikaw
Halik ng isang anghel
Liwanag ng araw
Ang pag-ibig natin hindi magmamaliw o giliw
Ang pusong ito sa'yo lamang mahal
Ang pusong ito sa'yo lamang mahal