Mananatili

Christopher Mercado

Hindi ko matanto
Kung paano ba ito
Hindi na magtagpo
Ang dalawang puso

Hindi mo man sabihin
Hindi mo man maamin
Pagkat ito'y nararamdaman
Ko na rin

Kahit na ika'y nagka mali
Ako'y naririto at mananatili
Aindi ko na marinig
Ang salitang "mahal kita"
Na palagi mong binabanggit

Isang araw bigla na lamang nagising
Di ko na maramdaman mga yakap mo't lambing
Kung dati rati halik mo sakin gumising
At sa umaga sabay tayong kumakain
Pero bakit ganun nag iba na ngayon
Yung pagmamahal mo sakin di na gaya noon
Di ko na lubos maisip kung ano bang nagawa ko
Lagi kang galit pag maglalambing ako
Mahal kita alam mo yan
Kahit na paulit ulit mo akong nasasaktan
Tinitiis ko nalang
Para di na pag awayan at di ka saakin mawala
Hindi ko na maramdaman
Yung pagmamahalan natin tulad nung nakaraan
Sana naman aking mahal
Alalahanin mo kung pano tayo nun nag simula

Hindi ko matanto
Kung paano ba ito
Hindi na magtagpo
Ang dalawang puso

Hindi mo man sabihin
Hindi mo man maamin
Pagkat ito'y nararamdaman
Ko na rin

Kahit na ika'y nagka mali
Ako'y naririto at mananatili
Aindi ko na marinig
Ang salitang "mahal kita"
Na palagi mong binabanggit

O pano natin aayusin to
Kasi ako gusto ko pang ipagpatuloy to
Nais ko sanang maibalik yung kahapon
Na kung saan ako't ikaw nagmamahalan nun
Pero bakit mahal? ibang iba na ngayon
Yung pagmamahalan natin di na gaya noon
Hindi ka na ba masaya kaya hinahayaan mo
Na hindi ako kausapin hanggang sa pagtulog mo
Mahal kita alam mo yan
Paliyabin natin muli yung apoy na nawala
Ano bang dahilan
Hindi ko maunawaan kung bakit ka nagkaganyan
Hindi mo na ba ko mahal?
Sabihin mo naman saakin kasi akoy naguguluhan
Sana naman aking mahal
Alalahanin mo kung pano tayo nun na simula

Hindi ko matanto
Kung paano ba ito
Hindi na magtagpo
Ang dalawang puso

Hindi mo man sabihin
Hindi mo man maamin
Pagkat ito'y nararamdaman
Ko na rin

Kahit na ika'y nagka mali
Ako'y naririto at mananatili
Aindi ko na marinig
Ang salitang "mahal kita"
Na palagi mong binabanggit

Hindi ko matanto
Kung paano ba ito
Hindi na magtagpo
Ang dalawang puso

Most popular songs of Tupé

Other artists of Trap