Medley: Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon / Namamasko / Ang Pasko’y Sumapit Na Naman / Dalangin Sa Pasko / Pasko Ng Madla / Mano Po Ninong / Pasko Na Naman

Jess C. Saclo, Levi Celerio, Ruben Tagalog, Serapio Y. Ramos, Tex Salcedo, Vicente Rubi, A. Torres

[Verse 1]
Pasko na naman, Pasko na naman
Kaya kami ngayo'y naririto
Upang kayong lahat ay aming handugan
Ng iba't ibang himig na Pamasko

[Verse 2]
Ang Pasko ay sumapit
Tayo ay mangagsiawit
Ng magagandang himig
Dahil sa ang Diyos ay pag-ibig

[Verse 3]
Nang si Kristo'y isilang
May tatlong haring nagsidalaw
At ang bawat isa
Ay nagsipaghandog ng tanging alay

[Verse 4]
Bagong taon ay magbagong-buhay
Nang lumigaya ang ating bayan
Tayo'y magsikap upang makamtan natin ang kasaganahan

[Verse 5]
Tayo'y mangagsiawit
Habang ang mundo'y tahimik
Ang Araw ay sumapit
Ng Sanggol na dulot ng Langit

[Verse 6]
Tayo ay magmahalan
Ating sundin ang gintong aral
At magbuhat ngayon
Kahit hindi Pasko ay magbigayan

[Verse 7]
Sa maybahay ang aming bati
Merry Christmas na mal'walhati
Ang pag-ibig, 'pag s'yang naghari
Araw-araw ay magiging Pasko lagi

[Verse 8]
Ang sanhi po ng pagparito
Hihingi po ng aginaldo
Kung sakaling kami'y perwisyo
Pasensya na kayo't kami'y namamasko

[Verse 9]
Ang Pasko ay sumapit na naman
Kaya tayo ay dapat na magdiwang
'Pagkat ngayon ay araw ng pagsilang
Ni Hesus na 'di natin malilimutan

[Verse 10]
Halina, tayo ay manalangin
Nang tayong lahat ay Kanyang pagpalain
Ang Pasko ay ating pasayahin
Sa pagmamahalan natin

[Verse 11]
Maligayang Pasko sa bawat tahanan
Ang dalangin namin, sana ay makamtan
Masaganang buhay sa taong darating
Ang maging palad sana natin

[Verse 12]
Dinggin lamang ang dalangin
Darating ang hangarin
Sama-sama na awitin
Ang isang "Ama Namin"

[Verse 13]
May gayak ang lahat ng tahanan
Masdan niyo at nagpapaligsahan
May parol at ilaw bawat bintana
May sadyang naiiba ang ibang kulay

[Verse 14]
Kay ganda ang ayos ng simbahan
Ang lahat ay inaanyayahan
Nang dahil sa pagsilang sa Sanggol
Na Siyang maghahari nang panghabang-panahon

[Verse 15]
Ang Pasko'y araw ng bigayan
Ang lahat ay nagmamahalan
Tuwing Pasko ay lagi nang ganyan
May sigla, may galak ang bayan

[Verse 16]
(Maligayang) Maligayang Pasko, kayo'y bigyan
(Masagana) Masaganang bagong tao'y kamtan
(Ipagdiwang) Ipagdiwang, araw ng Maykapal
Upang manatili sa atin ang kapalaran
At mabuhay na lagi sa kapayapaan

[Verse 17]
Mano po, ninong, mano po, ninang
Narito kami, ngayo'y humahalik sa inyong kamay
Salamat, ninong, salamat, ninang
Sa aguinaldo po inyong ibibigay

[Verse 18]
Pasko na naman, Pasko na naman
Kaya kami ngayo'y naririto
Upang kayong lahat ay aming handugan
Ng iba't ibang himig na Pamasko
Maligaya, maligaya
Maligayang Pasko sa inyong lahat

Trivia about the song Medley: Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon / Namamasko / Ang Pasko’y Sumapit Na Naman / Dalangin Sa Pasko / Pasko Ng Madla / Mano Po Ninong / Pasko Na Naman by Various Artists

When was the song “Medley: Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon / Namamasko / Ang Pasko’y Sumapit Na Naman / Dalangin Sa Pasko / Pasko Ng Madla / Mano Po Ninong / Pasko Na Naman” released by Various Artists?
The song Medley: Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon / Namamasko / Ang Pasko’y Sumapit Na Naman / Dalangin Sa Pasko / Pasko Ng Madla / Mano Po Ninong / Pasko Na Naman was released in 1981, on the album “Pamasko Ng Mga Bituin”.
Who composed the song “Medley: Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon / Namamasko / Ang Pasko’y Sumapit Na Naman / Dalangin Sa Pasko / Pasko Ng Madla / Mano Po Ninong / Pasko Na Naman” by Various Artists?
The song “Medley: Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon / Namamasko / Ang Pasko’y Sumapit Na Naman / Dalangin Sa Pasko / Pasko Ng Madla / Mano Po Ninong / Pasko Na Naman” by Various Artists was composed by Jess C. Saclo, Levi Celerio, Ruben Tagalog, Serapio Y. Ramos, Tex Salcedo, Vicente Rubi, A. Torres.

Most popular songs of Various Artists

Other artists of Gospel