Kahit Konti [Live]

Gary Granada

Maari bang maari bang umusog-usog ng konti
Hati-hati dahil masyadong masikip ang upuan
At kung iyong kausapin ako nama'y hindi maselan
At payag matabihan umusog lang umusog ng konti

Maari bang maari bang umusog-usog ng konti
Madadaan sa usapan ang maaring pag-awayan
Sakali mang mayro'n kang napapansin sabihin lang
At kung makatuwiran ako'y uusog din kahit konti

Hindi naman buong-buo ang hinihiling ko sa iyo
Ngunit kahit kapiraso maaring magkasundo tayo
Iba't iba ang katuwiran ng tao sa lipunan
Ngunit ang kailangan lang tayo'y huwag magtulakan

O kayraming suliranin oras-oras dumarating
Dahil 'di kayang lutasin hindi na rin pinapansin
Subalit kung tutuusin iisa ang dahilan
Kaibigan ayaw nilang umusog ng kahit konti

Hindi naman buong-buo ang hinihiling ko sa iyo
Ngunit kahit kapiraso maaring magkasundo tayo
Iba't iba ang katuwiran ng tao sa lipunan
Ngunit ang kailangan lang tayo'y huwag magtulakan

O kayraming suliranin oras-oras dumarating
Dahil 'di kayang lutasin hindi na rin pinapansin
Subalit kung tutuusin iisa ang dahilan
Kaibigan ayaw nilang umusog ng kahit konti

At kung iyong kausapin ako nama'y hindi maselan
At payag matabihan umusog lang
Kahit konti

Trivia about the song Kahit Konti [Live] by Yeng Constantino

Who composed the song “Kahit Konti [Live]” by Yeng Constantino?
The song “Kahit Konti [Live]” by Yeng Constantino was composed by Gary Granada.

Most popular songs of Yeng Constantino

Other artists of Pop rock