Pasko sa Pinas [Version 2023]
Nadarama ko na ang lamig ng hangin
Naririnig ko pa maliliit na tinig
May dalang tansang pinagsama-sama't ginawang tambourine
Ang mga parol ng bawat tahana'y nagniningning
Ibang mukha ng saya
Himig ng pasko'y nadarama ko na
May tatalo pa ba sa pasko ng Pinas (sa pasko ng Pinas)
Ang kaligayahan nati'y walang kupas
Hindi alintana kung walang pera basta't tayo'y magkakasama
Ibang-iba talaga ang pasko sa Pinas (ibang iba talaga)
May simpleng regalo na si ninong at si ninang
Sa mga inaanak na nag-aabang
Ang buong pamilya ay magkakasama sa paggawa ng christmas tree
Ayan na ang barkada ikaw ay niyaya para magsimbang-gabi
Ibang mukha ng saya
Himig ng pasko'y nadarama ko na
May tatalo pa ba sa pasko ng Pinas (sa pasko ng Pinas)
Ang kaligayahan nati'y walang kupas
'Di alintana kung walang pera basta't tayo'y magkakasama
Ibang-iba talaga ang pasko sa Pinas (ibang iba talaga)
Ibang-iba talaga kahit saan ikumpara
May ibang ihip ng hanging 'di maintindihan ('di maintindihan)
Mapapangiting bigla sa kung ano ang dahilan
Nadarama mo na ba mo na ba mo na ba
May tatalo pa ba sa pasko ng Pinas
Ang kaligayahan nati'y walang kupas
'Di alintana kung walang pera basta't tayo'y magkakasama
Ibang-ibang talaga
May tatalo pa ba sa pasko ng Pinas (sa pasko ng Pinas)
Ang kaligayahan nati'y walang kupas
'Di alintana kung walang pera basta't tayo'y magkakasama
Ibang-ibang talaga ang pasko sa Pinas