Sabihin Mo Na Lang Kas

Inuunti-unti mo ba 'ko
Akala mo ba'y madali to
Di mo ba naisip sobra tong pasakit
Dapat ko pa bang ipilit

Mga yakap mo'y malamig na
Tila ba nawalan ng gana
Ano bang nangyari
May kulang ba sa'kin
Bakit di mo pa sabihin

Kung 'di mo na ako mahal tulad ng dati
Naglaho bigla tamis ng pag-ibig
Ayaw mo na kong kasama hanggang sa huli sa huli
Kung ayaw mo na sakin ay wag kang mag panggap
Na para bang normal parin ang lahat
Ang pakiusap ko'y
Sabihin mo na lang kasi

Inuunti-unti mo ba ko
Bakit mo pinararamdam to
Bakit ka nagbago kung kailan ang puso'y
Ayaw nang mawalay sayo

Di mo na ba ako mahal tulad ng dati
Naglaho bigla tamis ng pag-ibig
Ayaw mo ba kong kasama hanggang sa huli sa huli
Kung ayaw mo na sa'kin ay wag kang mag panggap
Na para bang normal parin ang lahat
Ang pakiusap ko'y
Sabihin mo na lang kasi

Kinalimutan ko ang sarili ko
'Di pinagdamot ang buong buhay ko
Pag-ibig ko ay tunay at totoo
Ikaw lang talaga ang nagbago
Ikaw ang nagbago

Di mo na ba ako mahal tulad ng dati
Naglaho bigla tamis ng pag-ibig
Ayaw mo ba kong kasama hanggang sa huli sa huli
Kung ayaw mo na sa'kin ay wag kang mag panggap
Na para bang normal parin ng lahat
Ang pakiusap ko'y
Ang pakiusap ko'y
Sabihin mo na lang kasi
Sabihin mo na lang kasi

Most popular songs of Zephanie Dimaranan

Other artists of Contemporary R&B