Medisina

Zild

Dagat tatawirin
Makasama lang kita kahit malalim
'Di magkakailang adik na nga ako
Sa magara mong amoy tama pa ba ito
Ang ibigin ka

Kahit laging bumagyo
O malunod man ako
Kakayanin lumangoy
Dignidad itataboy
Dumaan man sa bulkan
O do'n sa kung saan-saan
Kahit na ako'y sugatan
Easy lang ang lahat nang 'yan

Halimuyak mong hinahanap kong magdamag
'Di masukat ang pagitan ng sobra't sapat
Kailangan kita
Halika na nga
Medisina

Lindol walang palag
Kung makasalubong ka
Diretso sa lapag
At kusang hihinto ang mga sakuna
Matigas ang ulo ko
Mapapahamak
Talaga ako

Kahit na ako'y ganito
Imposibleng huminto
Nauubos din ako
Balang araw ay lalayo
Hawak mo 'ko sa leeg
'Di na makakaalis
Pambihira talaga
Ang mahika

Halimuyak (halimuyak)
Mong hinahanap kong magdamag
'Di masukat ('di masukat)
Ang pagitan ng sobra't sapat
Kailangan kita
Halika na nga
Medisina

I love you my medicine
I love you my medicine
Mahal kita my medicine
Mahal kita my medicine
I love you my medicine
I love you my medicine
Mahal kita my medicine
Mahal kita my medicine

Trivia about the song Medisina by Zild

When was the song “Medisina” released by Zild?
The song Medisina was released in 2022, on the album “Medisina”.

Most popular songs of Zild

Other artists of Pop rock