Magulong Usapan

VENZON MALUBAY

Palagi kang nandyan para sandalan napakasarap mong masdan
Para kang larawan ng walang hanggang saya't sarap mong masdan
Ang makasama ka palagi'y pagkakataong din na papakawalan
Mga araw at gabi na magkatabi mga sandaling papahalagahan
Binigyang importansya tinuring isang grasya
Hinukay mo't binuhay ang nalumbay kong pag asa

Kasagutan nalang sa tanong ang kulang
Upang tuluyan nang lumutang
Maabot at mabuhay ang aking pantasya
Oo oo mo na lang ng kulang sana
Ngunit nang tumatagal ay lumalamig at biglang nagsawa
Habang minamahal ka'y sumasakit lang lalo ang tama
Habang lumalapit ako'y lumalayo ka parang andaya
Hinihila kita pabalik ako'y pinagtutulakan
Hanggang kaibigan lang pala di ko man lang nahulaan
Akala ko tayong dalawa'y nagkakaunawaan
Ako ay pumasok lang pala sa magulong usapan

Pasensya na kung nararamdaman mong mahal na kita
Kasalanan mo kasi
Hinayaan mo'ng mahulog ako sayo't maging masaya
Akala ko ay tayo na
Ako'y dalang dala
Magulong usapan lang pala

Totoo palang di' ka makakakain kahit gaano kasarap ang pagkain
Kapag ikaw ang kaharap ko' di ko akalain
Na kapag tumitig ka sa'kin may mga letra sa hangin
Na kapag pinagsama sama ko may pahaging na laging palaisipan
Di ko lang masabi na ito na yung pag iibigan
Pano ko nasabi syempre malakas ang aking pakiramdam
Lalo na ngayong madalas kitang nakakasama parang mag asawa lang
At kapag nagki kwento ka ng mga nangyari
Kinikilig ka pa sabi mo pa nga sana ako yung dati dati

Dati mong kasintahan pakiramdam ko ako ang bida sa pelikulang pinagbibidahan
Nang bigla kang nagsabi
Isa ka sa tropang na laging handang makinig saking biro buti di kita nadali
Hay
Di ko lang masabi ng harapan
Totohanin natin yung biro mo nang malaman mo ang katotohanan

Pasensya na kung nararamdaman mong mahal na kita
Kasalanan mo kasi
Hinayaan mo'ng mahulog ako sayo't maging masaya
Akala ko ay tayo na
Ako'y dalang dala
Magulong usapan lang pala

Ilang beses ko mang isiping ba't nagkaganto
Ang dapat sanang paraiso'y dinaanan na ng bagyo
Wala na ring maitutulong ang pagtawag ng santo
Dahil sa ngayon ang pag ibig ay tinabunan na ng tampo
Di ko inakalang ang dapat sanang masayang takbo
Ay nawala lang sa pagbilang ng isa dalawa tatlo
Di'ko inasahang ang lahat ng to'y nasayang

Sa bandang huli alam ko naming wala kang alam at ito'y kasalanan ko
Ako'y naging mahina sa ngiti mo at hindi ko napigilan
Nahuli mo'ng kiliti ko at ika'y pinaglihiman
Mahal na kita kahit na alam kong ito'y imposible
Kung layuan mo man ako'y tanggap ko't di kita masisisi
Pasensya na kungako'y naghangad ng hindi pwedeng mangyari
Pwede bang kalimutan na at ibalik na yung dati
Ang mahalin ka'y di na bale
Patawad kung nagpadale ako at pasengsya na iniipit kita ng grabe

Pasensya na kung nararamdaman mong mahal na kita
Kasalanan mo kasi
Hinayaan mo'ng mahulog ako sayo't maging masaya
Akala ko ay tayo na
Ako'y dalang dala
Magulong usapan lang pala

Trivia about the song Magulong Usapan by Abaddon

Who composed the song “Magulong Usapan” by Abaddon?
The song “Magulong Usapan” by Abaddon was composed by VENZON MALUBAY.

Most popular songs of Abaddon

Other artists of Heavy metal music