Pare

Tol ano bang nangyari ba't galit na naman si mare
Lagi ka na lang nayayari magbago ka na kasi pare

Ano na naman pre ang dinala mo nakaguluhan
Mga aral na pinabaon ko sa'yo ay 'di mo matutunan
Ilan beses na nadagukan nabatukan at napuruhan
Mukhang 'di ka matatauhan hanggang sa ikaw ay maputulan
'Di ka na nagsawa ano ba naman pre tigilan mo ang paglandi
Ilang ulit ka nahuli ni mare kaya 'wag ka ng umarte kasalanan mo'y 'wag itanggi
Payong kaibigan lang tol 'di naman sa kaniya kumakampi
Kaso ang matindi baka dumating pa sa puntong naisipan niya gumanti
Ano bang problema pre nawala na ang dating ikaw na malambing
'Pag meron kang hinahanap ay hindi ka na sa kaniya nakatingin
Kung ituring mo na lang si kumare ay parang mannequin na nakaitim pa nasa dilim
Magbago ka pre kung ayaw mong maglaho kami
Uminom ka ng maraming kape sa tuwing ikaw ay nangangati
Pero kung wala ka naman na paki na makarne 'yong pinagmamalaki mo malaya ka pre
Sa susunod 'wag kang papahuli pagbutihan mo galingan mo kasi

Nakakaawa ka naman pare lagi ka na lang sa labas natutulog
Kabilang ka na sa ibang klase kasi 'di ka natututo ang tigas ng ulo mo

Tol ano bang nangyari ba't galit na naman si mare
Lagi ka na lang nayayari magbago ka na kasi pare

Ang daming takot mangapa sa dilim pero si pare iba pagka-sinabi mong dapat magbago ka na
Bukas may bago na siya iba talaga sa payo hindi aksayado kasi masunurin masyado
Ang sabi ko baka mahuli kayo mas ginalingan niyang magtago
'Di ka ba natatakot dami na kinakamot
Magkakaiba pa hagod sa dami ng problema mong hinahakot
Hindi ka pa napapagod lakas ng loob kasi kahit andaming gusot ay palaging nakakalusot
Kasi puro kutob lang si mare hindi niya mayari si pareng utog na utog

Ang hirap mo mapasunod halatang masama sa loob yeah yeah
Lalo na 'pag sinasabi sa'yong masama sa loob oh
Walang pinag-iba sa mga dati ko na napanood pwera usog
Pero kung pa rin pasugod karma na ang kasunod oh
Kung ako sa'yo ay 'wag mo na 'yung abangan stop man
Baka mabuang ka pagka si mare naman nanabang ewan ko na lang
Kung ano pa ba ang pwede magawa na paraan para ibalik ka sa katinuan
Unti-unti ka na naliligaw sa kawalan sa tigas ng ulo mo na nagkahawaan taas baba

Nakakaawa ka naman pare lagi ka na lang sa labas natutulog
Kabilang ka na sa ibang klase kasi 'di ka natututo ang tigas ng ulo mo

Tol ano bang nangyari ba't galit na naman si mare
Lagi ka na lang nayayari magbago ka na kasi pare

Pare ko ang tus mo malapit-lapit ka ng malumpo
Dahil ang utak mong gamunggo ay gustong-gustong nagpapatukso
Baka dumating ka pa sa puntong tingin niya na lang sa'yo ay multo
Tigil mo na 'yan bago pa maisip ni kumare na magpa-Tulfo
Oh nako Diyos ko tapos ka akala mo ba ito'y laro lang na kapag nakasugat ka man
Pwedе mong idaan sa simple na gamutan pare ko matakot ka baka makarma at mapakulam
Kaya bili mo na lang 'yan pera mo ng isang sakong bigas at ulam
Parе ko labanan mo ang tukso ni Satanas
Dapat kang matuto kung ayaw mong matulog sa labas
Kung kasing lakas mo si Taguro siguro saka ka mag-angas
'Yung tipong 'pag pinalo ang ulo mo ng tubo walang dugo na lalabas
At sa tuwing ika'y inaatake ng kamunduhan mabuti pang itulog mo na lang
Hinto mo na ang 'yong kabaliwan bago ka pa maligaw at mapunta sa magulo na daan
Pero mukhang gusto mo naman basta may katulad ko esudya na 'yan
Sanay ka na matulog sa daan makuyog ang iyong buong katawan

Nakakaawa ka naman pare lagi ka na lang sa labas natutulog natutulog
Kabilang ka na sa ibang klase kasi 'di ka natututo ang tigas ng ulo mo

Tol ano bang nangyari ba't galit na naman si mare
Lagi ka na lang nayayari magbago ka na kasi pare

Pare ko gumamit ka ng kumot para 'di ka ginawin
Pare ko magsindi ka'ng katol para 'di ka lamukin ang kulit mo kasi

Most popular songs of Abaddon

Other artists of Heavy metal music