Maleta

Sa gwardiya'y naibilin na kita
Alas singko y media ay darating ka
Ang mga maleta ay nasa likod ng pintuan

Kunin mo lang ang sa 'yo
Alam mo naman siguro kung ano ang sa 'yo
Huwag mong galawin ang sa akin
Iwan mo ang mga binigay mo sa 'kin

Iwan mo lang sa unan ang amoy ng 'yong pagtataksil akin 'yan
Iwan mo lang ang pangakong dinurog ng puso mong suwail
At sa iyong pag-alis isasabit ko sa dingding
Ang mga alaala ng maamong mukha ng pag-ibig mong sinungaling

'Di ko binalak na ika'y saktan
Ang nangyari'y nangyari na
Mabuti na rin na nalaman mo
Dahil 'di ko kayang aminin

Maniwala ka inibig din kita (inibig din kita)
Hindi lang pumantay sa pag-ibig mo
Hindi lang umabot sa inaasahan mo
Iwan mo ang susi sa tokador
Isara ang pinto at huwag nang lilingon
Huwag mong piliting lumuha baka 'di mo kaya

Mabigat ang maletang dala mo
'Yan ang kabaong ng pag-ibig na pinatay mo
Sana ay kaya mong buhatin
Habang-buhay mo 'yang bubuhatin

Tandaan mong maigi ang amoy ng 'yong pagtataksil (habang buhay n'yang isusumbat ito)
Bitbitin mo ang pangakong dinurog ng puso mong suwail (tatanggapin ko)
At sa iyong pag-alis isasabit ko sa dingding
Ang mga alaala ng maamong mukha ng pag-ibig mong sinungaling

At kung magkita man tayong muli
Huwag mo akong babatiin
Huwag mo akong babatiin

Most popular songs of Agot Isidro

Other artists of Middle of the Road (MOR)