Sa Kanya

Namulat ako at ngayo'y nag-iisa
Pagkatapos ng ulan
Bagama't nakalipas na
Ang mga sandali ay nagmumuni
Kung ako'y nagwagi

Pinipilit mang sabihin
Na ito'y wala sa akin
Ngunit bakit hanggang ngayon
Nagdurugo pa rin

Sa kanya pa rin babalik sigaw ng damdamin
Sa kanya pa rin sasaya bulong ng puso ko
Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan
Ang pagmamahal at panahon
Alay pa rin sa kanya

At sa hatinggabi ay nag-iisa na lang
At minamasdan ang larawan mo
At ngayo'y bumalik ng siya'y kapiling pa
Alaala ng buong magdamag
Kung sakali mang isipin na ito'y wala sa akin
Sana'y dinggin ang tinig kong
Nag-iisa pa rin

Sa kanya pa rin babalik sigaw ng damdamin
Sa kanya pa rin sasaya bulong ng puso ko
Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan
Ang pagmamahal at panahon
Alay pa rin sa kanya

Sa kanya pa rin babalik sigaw ng damdamin
Sa kanya pa rin sasaya bulong ng puso ko
Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan

Ang pagmamahal at panahon alay pa rin
Ang pagmamahal at panahon alay pa rin
Sa kanya

Most popular songs of Agot Isidro

Other artists of Middle of the Road (MOR)