Ngayon

George Canseco

Ngayon ang simula ng hiram mong buhay
Ngayon ang daigdig mo'y bata at makulay
Ngayon gugulin mo nang tama't mahusay
Bawat saglit at sandali
Magsikap ka't magpunyagi
Maging aral bawat mali

Ngayon bago ito ay maging kahapon
Ang pagkakataon sana'y huwag itapon
Ikaw tulad ko rin ay may dapithapon
Baka ika'y mapalingon
Sa nagdaang bawat ngayon
Nasayang lang na panahon

Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
Ang bukas pangitain n'yang ganda'y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang
Kay ganda ng buhay ngayon

Sa buhay mong hiram
Mahigpit man ang kapit
May bukas na sa yo'y di na rin sasapit
Ngunit kung bawat ngayo'y dakila mong nagamit
Masasabi mong kahit na
Ang bukas di sumapit pa
Ang naabot mo'y langit na

Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
Ang bukas pangitain n'yang ganda'y sa isip lang
Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang
Kay ganda ng buhay
Bukas mo'y matibay
Dahil ang sandiga'y ngayon

Trivia about the song Ngayon by Angeline Quinto

On which albums was the song “Ngayon” released by Angeline Quinto?
Angeline Quinto released the song on the albums “Fall In Love Again” in 2012 and “Patuloy Ang Pangarap” in 2016.
Who composed the song “Ngayon” by Angeline Quinto?
The song “Ngayon” by Angeline Quinto was composed by George Canseco.

Most popular songs of Angeline Quinto

Other artists of Middle of the Road (MOR)