Salamat Ika’y Dumating
Dati ay kay gulo ng
Pusong nalilito at
Di ko alam kung mahahanap pa
Ang pag-ibig na pang walang hangganan
Dinala ng tadhana
Ang iyong ngiti nakita
At tumigil aking oras
Nawala ang bigat, gumaan ang lahat
Sana ay magtagal
At di minsang sandali lang
At bigla mong sinabing hindi ka lilisan
Meron nang magmamahal sa akin
Makikinig sa akin
Muling bubuo sa akin
Nang ika'y dumating
Di ko maubos akalaing
May sagot sa panalangin
Hulog ka ng langit sa akin
Salamat ikaw ay dumating
Ngayon Ako'y sa iyo
At ika'y sa akin
Salamat ika'y dumating"