Walang Pagsisisi [From "The Broken Marriage Vow"]

Lahat walang sayang
Pinanghahawakan ang pag-ibig na totoo
Matagal na panahon din
Ang pinagsamahan natin
Bawat luha ngiti at saya andun ka

Kay rami na nating pinagdaanan
Ngunit nanatili akong naging tapat sa 'yo
Hindi ako sumuko
Nanalig sa pagmamahalang totoo
At pinaglaban ko ang pag-ibig mo
Pag-ibig ko

Walang pagsisisihan
Lahat walang sayang
Mga sakit na naramdaman
Naiintindihan

Dahil sa 'yo ko lang naramdaman
Ang maging buo sa 'yo
Walang pagsisisi
Bakit nakilala kita
Walang pagsisisi

Bakit iniibig ka
Walang pagsisisi
Walang pagsisisi

Kahit na hindi pa maintindihan
Bakit ako nagkagan'to sa 'yo
Basta't ang alam ko lang
Dapat ipaglaban kita
Dahil tayo lamang ang tanging
Makakaintindi sa kung anong meron tayo

Walang pagsisisihan
Lahat walang sayang
Mga sakit na naramdaman
Naiintindihan

Dahil sa 'yo ko lang naramdaman
Ang maging buo sa 'yo
Walang pagsisisi
Bakit nakilala kita

Walang pagsisisi
Bakit iniibig ka
Walang pagsisisi
Walang pagsisisi

Dumating man ang araw
Na kailangan nang magdesisyon
Ikaw pa rin ang pipiliin
Ang pag-ibig mo
Tadhana ma'y paglayuin tayo

Walang pagsisisihan
Lahat walang sayang
Mga sakit na naramdaman
Naiintindihan

Dahil sa 'yo ko lang naramdaman
Ang maging buo sa 'yo
Walang pagsisisi
Bakit nakilala kita

Walang pagsisisi
Bakit iniibig ka
Walang pagsisisi
Walang pagsisisi

Walang pagsisisi
Kahit nagpaalam na
Walang tigil ang luha
Sa alaala ng kahapon

At ngayo'y walang pagsisisi
Dahil inibig ka
Kailanma'y 'di mawawala
Walang pagsisisi
Sa alaala ng pag-ibig

Walang pagsisisi
Sa pag-ibig
Walang pagsisisi
Sa pag-ibig

Most popular songs of Angeline Quinto

Other artists of Middle of the Road (MOR)