Pag-Ibig

Danny Javier

No'ng tangan ng nanay ang munti mong mga kamay
Ika'y tuwang-tuwa panatag ang loob
Sa damdaming ika'y mahal

No'ng nakilala mo ang una mong sinta
Umapaw ang saya at siya'y ibang-iba
Sinasamsam ang bawat gunita

Hindi mo malimutan kung kailan nagsimulang
Matuto kung papa'nong magmahal
At di mo malimutan kung kailan mo natikman
Ang una mong halik yakap na napakahigpit
Pag-ibig na tunay hanggang langit
No'ng tayo'y nagkakilala nang hindi sinasadya
Ikaw lang ang napansin nahuli sa isang tingin
At sa pagbati mong napakalambing

Hindi ko malimutan kung kailan nagsimulang
Matutong ikaw lang ang mahalin
At di ko malimutan kung kailan ko natikman
Ang tamis ng iyong halik yakap na napakahigpit
Pag-ibig mong tunay hanggang langit

At di ko malimutan kung kailan ko natikman
Ang tamis ng iyong halik yakap na napakahigpit
Pag-ibig mong tunay hanggang langit

At di ko malimutan kung kailan ko natikman
Ang tamis ng iyong halik yakap na napakahigpit
Pag-ibig mong tunay hanggang langit

Trivia about the song Pag-Ibig by APO Hiking Society

On which albums was the song “Pag-Ibig” released by APO Hiking Society?
APO Hiking Society released the song on the albums “Pagkatapos ng Palabas” in 1978 and “The Best of APO Hiking Society” in 1982.
Who composed the song “Pag-Ibig” by APO Hiking Society?
The song “Pag-Ibig” by APO Hiking Society was composed by Danny Javier.

Most popular songs of APO Hiking Society

Other artists of Asian pop