Sa Bawat Umaga

Boboy Garovillo, Jose Javier Reyes

Sa bawat umagang sumisikat ang araw
Alalahaning hiram lang ang buhay
Ang bawat sandaling sa iyo'y lumilipas
Gawain o isip mga tula't awitin
Ay laging bigyan ng saysay
Sa bawat lansangan na ibig mong tahakin
Hanapan ng dulong pupuntahan
Sa bawat hakbang ng iyong paglilibot
Kanan o kaliwa sana'y iyong isipin
Kung bakit naglalakbay

'Pag iyong nakalimutan ang iyong pinanggalingan
Ang nais maabot ay lumalayong tuluyan
Mata'y nasisilawan budhi'y nakukulayan
Naliligaw kung saan-saan

Sa bawat hangaring iyong ipinaglalaban
Isipin ang mundo'y para sa lahat
Sa bawat sandaling ikaw ay umibig
Puso'y nasasagi hapdi'y 'di mapawi
Bawat puso'y may sariling pintig

'Pag iyong nakalimutan ang iyong pinanggalingan
Ang nais maabot ay lumalayong tuluyan
Mata'y nasisilawan budhi'y nakukulayan
Naliligaw kung saan-saan

'Pag iyong nakalimutan ang iyong pinanggalingan
Ang nais maabot ay lumalayong tuluyan
Mata'y nasisilawan budhi'y nakukulayan
Naliligaw kung saan-saan

Trivia about the song Sa Bawat Umaga by APO Hiking Society

When was the song “Sa Bawat Umaga” released by APO Hiking Society?
The song Sa Bawat Umaga was released in 1990, on the album “Mga Kuwento ng Apo”.
Who composed the song “Sa Bawat Umaga” by APO Hiking Society?
The song “Sa Bawat Umaga” by APO Hiking Society was composed by Boboy Garovillo, Jose Javier Reyes.

Most popular songs of APO Hiking Society

Other artists of Asian pop