Gising Na Kaibigan [Special Collector's Edition]

Nakita mo na ba ang mga bagay na dapat mong makita
Nagawa mo na ba ang mga bagay na dapat mong ginawa
Kalagan na ang tali sa paa
Imulat na ang 'yong mga mata
Kay sarap ng buhay lalo na't alam mo kung saan papunta

May mga taong bulag kahit dilat ang mata
May mga taong tinatalian sariling kamay at paa
Problema'y tinatalikdan
Salamin sa mata'y hindi makita

Kay sarap ng umaga lalo na't kung ika'y gising
Tanghali'y maligaya kung ika'y may makakain
Ang gabi ay mapayapa kung mahal sa buhay ay kapiling
Kay sarap ng buhay lalo na't alam mo kung saan papunta

Gising na kaibigan ko
Ganda ng buhay ay nasa sa 'yo
Ang oras daw ay ginto
Kinakalawang lang 'pag ginamit mo

Kailan ka pa magbabago
Kailan ka pa matututo
Ang lahat ng ilog sa dagat patungo
Buksan ang isipan at mararating mo
Kay ganda ng buhay sa mundo

Nakita mo na ba ang mga bagay na dapat mong makita
Nagawa mo na ba ang mga bagay na dapat mong ginawa
Kalagan na ang tali sa paa
Imulat na ang 'yong mga mata
Kay sarap ng buhay lalo na't alam mo kung saan papunta
Kay sarap ng buhay lalo na't alam mo kung saan papunta

Trivia about the song Gising Na Kaibigan [Special Collector's Edition] by Asin

On which albums was the song “Gising Na Kaibigan [Special Collector's Edition]” released by Asin?
Asin released the song on the albums “Asin” in 1978 and “Masdan Mo Ang Kapaligiran” in 1994.

Most popular songs of Asin

Other artists of