Magulang - Alay Kay Rocky

Magulang makinig kayo
Sa aral ng kantang ito
Magulang 'di ba gabay kayo
Sa landas na tinatahak ko

Ba't ako nakakulong
Sa mundong gumugulong
Ba't ako'y litung-lito
Sa buhay ay tuliro
Saan ba tutungo

Magulang ako ba'y huwaran
Ng anak na nasa lansangan
Magulang ano ang sandigan
Ng lahat ng katotohanan

Sanlibo't isa ang naglundagan
Sa bangin ng kapalaran
Iabot mo ang iyong kamay
Kung ikaw ang siyang gabay at maliwanagan
Magulang

Magulang (magulang)
Unawain ninyo (unawain ninyo)
Ang lahat (ang lahat)
Na pagkukulang n'yo (na pagkukulang nyo)
Magulang (magulang)
Ituwid ninyo (ituwid ninyo)
Ang lahat (ang lahat)
Na kamalian n'yo (na kamalian n'yo)

Ituro n'yo ang tamang daan
Huwag lamang sa salita
Nais kong masaksihan na ang inyong ginagawa
Ay para sa kapakanan ng mga bata

Magulang (magulang)
Makinig kayo (makinig kayo)
Magulang (magulang)
Mahal namin kayo (mahal namin kayo)
Magulang (magulang)
Makinig kayo (makinig kayo)
Magulang

Trivia about the song Magulang - Alay Kay Rocky by Asin

When was the song “Magulang - Alay Kay Rocky” released by Asin?
The song Magulang - Alay Kay Rocky was released in 1993, on the album “Himig Ng Lahi”.

Most popular songs of Asin

Other artists of