Sa Malayong Silangan

Iguhit mo ako ng isang magandang pook
Ng simbahang nakatayo sa ibabaw ng bato
At aking ipapakita ang kahoy na may pugad
Naduyan ng hangin sa ibabaw ng ulap

Sa paglubog ng araw biyoletang hapon
Sa kintab ng dahon bituin sa itaas
At sa iyong paligid sa anino ng siga
Mga matang nagmamasid hindi mo nakikita

At sa iyong pagkukwento iyong isalaysay
Ang nangyari sa bayan nang naiwan ni Rizal
Ano ang habilin ng taong sugatan
Sa taong naligi ng kandila't bulaklak

At aking ipapakita isang taong gahaman
Nabalot ng putik na nanggaling sa ulan
Hanggang sa panaginip ay nabasa na rin
Naiwan sa kanal sa tubig ng Bansalan

Saan naroroon ang fiesta ang tinanong
Ng aking kababayan sa aming pagsalubong
Ako ay pababa na sa pinanggalingan
Ng nais mong marating

Doon sa bayan sa malayong silangan
Kung saan naroroon kung nasaan ka man
Isang magandang pook kung nasaan ka man
Doon sa malayong silangan

Trivia about the song Sa Malayong Silangan by Asin

When was the song “Sa Malayong Silangan” released by Asin?
The song Sa Malayong Silangan was released in 2001, on the album “Pag-Ibig, Pagbago, Pagpapatuloy...”.

Most popular songs of Asin

Other artists of