Aawit Kang Muli [From "Still": A Viu Original Musical Narrative Series]
Madilim ang mundo
Ang mga anino'y
Nananahan sa 'yong puso
Tigib ang gabi ng mga sandaling
'Di na mababahagi sa 'yo
Alaala't mga tanong
Na 'di na masasagot
Paulit
Ng ulit
Ng ulit
Ng ulit
Lilipas pa ba ito
Hingang malalim
Hingang malalim
Ang paano't bakit
Damhin
Ito ba ay lilipas din
Dahan-dahan
Unti-unti
Liwanag sasapit din
Damhin ang sakit
Nang muling marinig
Ang nawawalang himig
Aawit muli
Aawit muli
Ang paano't bakit
Ito ay lilipas at ikaw ay aawit muli
Aawit muli
Ang takot galit
Lahat ng pait
Dalamhati't sakit
Huwag ikubli
Hingang malalim at damhin
Aawit kang muli