Hindi Ko 'to Binalak
Hindi ko 'to binalak wala sa plano ko
Pero maya't maya'y nandito ka sa piling ko
Halos araw-araw gabi tanghali umaga
Parati kang kasama parang kilalang kilala mo 'ko
Di ako magaling magtago at nakita mo
At nakita mo at nakita mo
Malinaw na malinaw na mukhang mayroon na nga
Kung 'di ko 'to pinangarap bakit sira ulong umaasa
Nagparamdam ka ba mukhang tama naman ako ng basa
Halos araw-araw gabi tanghali umaga
Parati kang kasama parang kilalang kilala mo 'ko
Madali akong mahulog at hinayaan mo at hinayaan ko
Malinaw na malinaw na mukhang mayroon na nga
Kung 'di ko 'to pinangarap bakit sira ulong umaasa
Nagparamdam ka ba mukhang tama naman ako
Mukhang tama naman ako ng basa