Ngayong Gabi

DINO VINCENT PAUL A CONCEPCION

Maari ba kita
Ilabas ngayong gabi
Kay tagal ko na'ng pinangarap
Makasama ka, kahit sandali

O puede mo pa ba
Pagbigyan ngayong gabi
Pilit ko man ‘di ipakita
Halatang matagal na ako sa'yo naakit

Hiwaga ng iyong ganda
Lagi kong pinipinta
Tuwing ako'y natutulala
Tuwing ako'y nag-iisa

Pilitin ko man limutin
Lalo lang umiigting
Ang hiyaw ng aking damdamin
Na ikaw ay makapiling

Sikat ka na pala
Nakita kita sa tv
Tatanggapin mo pa kaya
Ang paanyaya sa'yo ngayong gabi

Sa may ‘di kalayuan
Magkayakap ng mahigpit
Nais ko sana ipadama
Ang init at tamis ng aking mga halik

Hiwaga ng iyong ganda
Lagi kong pinipinta
Tuwing ako'y natutulala
Tuwing ako'y nag-iisa

Pilitin ko man limutin
Lalo lang umiigting
Ang hiyaw ng aking damdamin
Na ikaw ay makapiling

Ngayong gabi
Ngayong gabi
Puede ba kahit na sandali

Trivia about the song Ngayong Gabi by Brownman Revival

When was the song “Ngayong Gabi” released by Brownman Revival?
The song Ngayong Gabi was released in 2005, on the album “Steady Lang”.
Who composed the song “Ngayong Gabi” by Brownman Revival?
The song “Ngayong Gabi” by Brownman Revival was composed by DINO VINCENT PAUL A CONCEPCION.

Most popular songs of Brownman Revival

Other artists of Asiatic music