Manatili Ka [(1989)]
Manatili ka
Kahit sandali
Hihilumin ko
Ang iyong hapdi
Bakit lagi na
Nagmamadali
Di malilisan
Ang 'yong pighati
Isaysay sakin
Lahat mong pait
Yayakapin ko
Lahat mong sakit
Manahimik na't
Mata'y ipikit
Bubulungan ka
Ng 'sang oyayi
Kailan titigilan ang iyong katatakbo
Kailan pipigilan pagpasan mo sa mundo
Manatili ka
Kahit sandali
Buuin muli
Ang iyong sarili
Magtiwala ka't
Tayo'y magwawagi
Ang pulang ulap
Ay mahahawi