Noong Paskong Una

Bukas Palad Music Ministry, Manoling V. Francisco SJ, Onofre Pagsanghan, jesuit Communications Foundation Inc

Noong Paskong una, si Mariang Ina
Sanggol niyang kay ganda, 'pinaghele sa kanta
Awit niya'y kay rikit. Anghel doon sa langit
Sa tamis naakit, sumamang umawit

KORO:
Pasko na! Pasko na! Pasko na!
Sumabay, sumabay sa kanta
Ni Mariang Ina sa Niñong kay ganda

Mga tala't bituin, pati ihip-hangin
Nakisama na rin kay Mariang awitin
Ang buong kalangitan, pati na rin kalikasan
Hango sa awitan ng unang Paskuhan (KORO)

Mga tupa't baka sa giray na kuwadra
Umungol, dumamba kasabay ng kanta
Pastores sa paltok, sa tuktok ng bundok
Kahit inaantok, sa kantaha'y lumahok (KORO)

Ni Mariang Ina sa Niñong kay ganda
Aleluya! Aleluya!

Trivia about the song Noong Paskong Una by Bukas Palad Music Ministry

When was the song “Noong Paskong Una” released by Bukas Palad Music Ministry?
The song Noong Paskong Una was released in 1999, on the album “Pasko Na!”.
Who composed the song “Noong Paskong Una” by Bukas Palad Music Ministry?
The song “Noong Paskong Una” by Bukas Palad Music Ministry was composed by Bukas Palad Music Ministry, Manoling V. Francisco SJ, Onofre Pagsanghan, jesuit Communications Foundation Inc.

Most popular songs of Bukas Palad Music Ministry

Other artists of Worship