O Hesus Hilumin Mo (1986)
O Hesus hilumin mo
Aking sugatang puso
Nang aking mahango
Kapwa kong kasingbigo
Hapis at pait iyong patamisin at hagkan
Ang sakit nang magningas ang rikit
O Hesus hilumin mo
Aking sugatang puso
Nang aking mahango
Kapwa kong kasingbigo
Aking sugatang diwa't
Katawan ay gawing daan ng 'yong kaligtasan
O Hesus hilumin mo
Aking sugatang puso
Nang aking mahango
Kapwa kong kasingbigo