Paglamig Ng Hangin

Manuel V Francisco SJ

Paglamig ng hanging hatid ng pasko
Nananariwa sa 'king gunita
Ang mga nagdaan nating pasko
Ang noche buena't simbang gabi

Narito na ang pasko (ang pasko)
At nangungulila'ng puso ko (nangungulila'ng puso ko)
Hanap-hanap pinapangarap (hanap-hanap pinapangarap)
Init ng pagsasalong tigib sa tuwa
Ng mag-anak na nagdiwang
Sa sabsaban n'ung unang pasko

Sa pag-awit muli ng himig-pasko
Nagliliyab sa paghahangad
Makapiling kayo sa gabi ng pasko
Sa alaala'y magkasama tayo

Narito na ang pasko (ang pasko)
At nangungulila'ng puso ko (nangungulila'ng puso ko)
Hanap-hanap pinapangarap (hanap-hanap pinapangarap)
Init ng pagsasalong tigib sa tuwa
Ng mag-anak na nagdiwang
Sa sabsaban n'ung unang pasko

Narito na ang pasko (ang pasko)
At nangungulila'ng puso ko (nangungulila'ng puso ko)
Hanap-hanap pinapangarap (hanap-hanap pinapangarap)
Init ng pagsasalong tigib sa tuwa
Ng mag-anak na nagdiwang
Sa sabsaban n'ung unang pasko

Trivia about the song Paglamig Ng Hangin by Bukas Palad Music Ministry

When was the song “Paglamig Ng Hangin” released by Bukas Palad Music Ministry?
The song Paglamig Ng Hangin was released in 1999, on the album “Pasko Na!”.
Who composed the song “Paglamig Ng Hangin” by Bukas Palad Music Ministry?
The song “Paglamig Ng Hangin” by Bukas Palad Music Ministry was composed by Manuel V Francisco SJ.

Most popular songs of Bukas Palad Music Ministry

Other artists of Worship