Pananalig [1989]
Sa puso kong umiibig
Walang nananaig
Kun'di yaong pananalig
Sa sintang iniibig
Hindi ka man masilayan
At init mo'y maglaho nang tuluyan
Pag-ibig ko sayo at katapatan
Mananatili kailan pa man
Bawat tao'y nalulumbay
At di mapalagay
Hangga't hindi nahihimlay
Sa puso mong dalisay
Hindi ka man masilayan
At init mo'y maglaho nang tuluyan
Pag-ibig ko sayo at katapatan
Mananatili kailan pa man