Pasko ng Paglaya

Manoling V. Francisco SJ, Jandi Arboleda, jesuit Communications Foundation Inc

PASIMULA:
Panginoon, hanggang kailan kami magdurusa
Panginoon, kailan sisikat umaga ng paglaya
Panginoon, dumating Ka na
Kupkupin kami sa 'Yong awa
Kupkupin kami sa 'Yong awa

Narito na ang Pasko ng paglaya
Bayan magalak sa mabuting balita
Tumingala at pawiin ang luha
Narito na ang pinangakong tala

Iniluwal ang Sanggol ni Maria
Sa Kanyang sabsabang payak at aba
Ating haranahin, alayan ng saya
Narito na ang Tagapagpalaya

"Hesus" tinawag Siya, hinirang ng Ama
Narito na ang Pasko ng paglaya
Bayang kinumutan ng mga tanikala
Ang ligalig ng gabi ngayon ay payapa
Narito na ang Sanggol na Mesiyas
Narito na ang Pasko ng paglaya

Trivia about the song Pasko ng Paglaya by Bukas Palad Music Ministry

When was the song “Pasko ng Paglaya” released by Bukas Palad Music Ministry?
The song Pasko ng Paglaya was released in 1999, on the album “Pasko Na!”.
Who composed the song “Pasko ng Paglaya” by Bukas Palad Music Ministry?
The song “Pasko ng Paglaya” by Bukas Palad Music Ministry was composed by Manoling V. Francisco SJ, Jandi Arboleda, jesuit Communications Foundation Inc.

Most popular songs of Bukas Palad Music Ministry

Other artists of Worship