Salamat Sa Diyos / Tanda Ng Kaharian Ng Diyos
Sumainyo ang Panginoon
At sumainyo rin
Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos
Ama anak at espiritu santo
Amen
Humayo kayong mapayapa
Salamat sa Diyos salamat sa Diyos
Salamat sa Diyos salamat sa Diyos
Humayo na't ipahayag kanyang pagkalinga't habag
Isabuhay pag-ibig at katarungan tanda ng kanyang kaharian
Sa panahong tigang ang lupa sa panahong ang ani'y sagana
Sa panahon ng digmaan at kaguluhan sa panahon ng kapayapaan
Humayo na't ipahayag kanyang pagkalinga't habag
Isabuhay pag-ibig at katarungan tanda ng kanyang kaharian
Ang mga dakila't dukha ang banal at makasalanan
Ang bulag at lumpo ang api at sugatan ang lahat ay inaanyayahan
Humayo na't ipahayag kanyang pagkalinga't habag
Isabuhay pag-ibig at katarungan tanda ng kanyang kaharian
Sa 'ming pagdadalmhati sa 'ming pagbibigay puri
Anupamang pagtangis hapo't pasakit ang pangalan niya'y sinasambit