Himig ni Isa
Francesca Johnnae "Cesca" Chua Mahusay
Ako ay alipin ng isang pag-ibig
na pang sulyap lamang
ito ay nagigising lang sa dilim,
walang nakakaalam
At sa pag-agos ng ilog,
ay nadarama sa tulog
ang pagbabago
ng iyong pagtugtog
Ayon sa mga sabi-sabi,
mayroon akong kahati
at sa pag-iyak,
ay di na lang ako nagulat