Pamahiin
Lihim kong pangarap ay ang maibuking
sariling kapalarang tatak sa mga bituwin
ginayuma ba ako o nabighani ng engkanto?
di alam paano nahulog
Ito ba ay bangungot, at di makahinga?
O isang panaginip na di mo na maalala?
Ang hirap magtiwala, wala nang natira,
mga pangakong tinahi mo sa iyong musika
Dito nagsisimula ang ating wakas
ito'y pamahiin
limutin ang iyong narinig, ito'y babala
sa pamahiin
('Wag mo na lang sabihin,
ito ay pamahiin
baka ikalat pa ng
pagsimoy ng hagin)
Nakakaakit lang ang araw
dahil lang sa silaw
at di mo alam aking mga pinagsasabi,
dahil ito ay pamahiin
Ang ating pag-ibig
ay isang pamahiin
baka ikalat pa ng hangin