Mama

Davey Langit, Therese Villarante, A-Team

Ang isa at isa ay dalawa
Ang kulay ng mansanas ay pula
Sa 'yong pagpasok sa eskwela
Lagi mong tatandaan
Malimutan mo na ang lahat
Huwag lang ang mahal kita

Palagi, huwag kang magmadali
Huwag sanang kaligtaan ang humalik sa'king pisngi
Kahit lumalaki ka na
Lagi parin tatandaan
Malimutan mo na ang lahat
Huwag lang ang mahal

Na mahal kita, palagi mong sambit
Oo mahal kita, bawat pagitan ng saglit
Hindi magmamaliw paggiliw ko sa'yo

Lumipas man ang ilang mga taon
Hindi na namalayan
Nakatapos sa eskwela, ang trabaho'y maganda
Kahit sana abala, paminsan ay tumawag ka
Malimutan mo na ang lahat
Huwag lang ang mahal kita

Palagi, yan ang pangako mo
Sa harap ng ating Diyos at sa napangasawa mo
Sa pagbuo ng yong pamilya
Lagi pa ring tatandaan
Malimutan mo na ang lahat
Huwag lang ang mahal

Na mahal kita, palagi mong sambit
Oo mahal kita, bawat pagitan ng saglit
Hindi magmamaliw paggiliw ko sa'yo

Lumipas ngang muli ang panahon
Mama, ikaw ay tumanda
Dahan dahan, mga alaala'y
Nalilimot mo na
Kahit pangalan ko kung minsa'y di mo na matandaan
Malimutan mo na ang lahat
Huwag lang ang mahal kita

Trivia about the song Mama by Davey Langit

Who composed the song “Mama” by Davey Langit?
The song “Mama” by Davey Langit was composed by Davey Langit, Therese Villarante, A-Team.

Most popular songs of Davey Langit

Other artists of Pinoy pop