Ilang Ulit

Ilang ulit na bang
Sinubukan na limutan ang nakaraan
Ilang ulit na ring
Naghanap ng pupuno sa butas na iniwan
Ng ating paghihiwalay
Ng pag-ibig na nawalay
Sandaling nagningas at agad-agad namatay
Ilang ulit na bang
Sinubukan na lambutin ang kapunuan
Ilang ulit na ring
Lumayag at lumangoy sa pitong karagatan
Upang muli lang mahanap
Ang tamis ng 'yong pagyakap
Sa lasa ng buhay ko'y hinahanap na sangkap

Hindi ko na kayang manghinayang (ha)
Sa pag-ibig na sinasayang
Wag nang mag-atubili (ha)
Tayo na't magmadali
Pagbigyan ang hiling
Wag nang magsinungaling
Sa mga pusong naghihinaing oh

Ilang ulit pa bang
Iikutin ang mundo na walang patunguhan
Ilang ulit pa bang
Sisisirin ang dagat upang muling makamtan
Ang pag-ibig na narito
Ang puso nati'y nalito
Kung hindi ka mapasakin mundo ko'y hihinto

Hindi ko na kayang manghinayang (ha)
Sa pag-ibig na sinasayang
Wag nang mag-atubili
Tayo na't magmadali
Pagbigyan ang hiling
Wag nang magsinungaling
Sa mga pusong naghihinaing oh yeah

Hindi ko na kayang manghinayang (ha)
Sa pag-ibig na sinasayang
Wag nang mag-atubili
Tayo na't magmadali
Pagbigyan ang hiling
Wag nang magsinungaling
Sa mga pusong naghihinaing oh

Most popular songs of Jimmy Bondoc

Other artists of Pinoy pop