Kaharian
Habambuhay ka nang hinihintay
Ng puso kong hindi mapalagay
Habambuhay ka nang hinanap
Pangarap sa mundong mapagpanggap oh
At kung ialok sa ‘yo ang puso kong
Bihirang magmahal
Tatanggapin mo ba o tatanggihan mo ba
H’wag mo sana ‘kong iwanan sa pag-aalinlangan
Buong puso ko nang inaalay
Ang sari-sari kong mga kulay
Buong puso ko nang hinaharap
Ang pagsuyo kong walang kasing ganap oh (oh)
At kung ika’y pilay gamitin mo akong saklay
Na aalalalayan ka (na aalalalayan ka)
Aakbayan kita (aakbayan kita)
Pagbigyan mo ang pusong nabighani sa ‘yong ganda oh
Sinumpa ko sa sariling
Hinding-hindi manliligaw
Kahit na sino mang prinsesa
Mundo man ay magunaw
Ngunit ikaw ang reyna ng aking panaginipan
Maari bang hiranging hari ng iyong kaharian
Panalangin ko sa gabi-gabi
Puso mo’t puso ko’y magkatabi
Panalangin ko sa araw-araw
Mula sa ‘ki’y hindi ka maagaw oh
At kapag ika’y mahulog
Sa ‘kin dumulog
Sasaluhin kita (sasaluhin kita)
Kakandungin ka pa (kakandungin ka pa)
‘Wag mo nang iwasang tayo’y para sa isa’t-isa oh
Sinumpa ko sa sariling (sinumpa ko sa sariling)
Hinding-hindi manliligaw
Kahit na sino mang prinsesa
Mundo man ay magunaw
Ngunit ikaw ang reyna ng aking panaginipan
Maari bang hiranging hari ng iyong kaharian wooh
Ngunit ikaw ang reyna ng aking panaginipan
Maari bang hiranging hari ng iyong kaharian
Sinumpa ko sa sariling
Hinding-hindi manliligaw
Kahit na sino mang prinsesa (oh)
Mundo man ay magunaw
Ngunit ikaw ang reyna ng aking panaginipan
Maari bang hiranging hari ng iyong kaharian